^

Bansa

Wala pang naitalang bagong kaso ng ‘mpox’ sa Pinas – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na wala pa silang naitatalang bagong kaso ng mpox sa bansa.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH kasunod nang pagdedeklara ng World Health Organization (WHO) ng global public health emergency dahil sa mpox.

Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, sa ngayon ay nananatili pa rin sa siyam ang kaso ng mpox sa Pilipinas. Huli aniya silang nakapagtala ng mpox noon pang Disyembre 2023.

“Sa Pilipinas, ang mpox na naitala natin so far ay 9 pa po at hindi naman dumagdag. Ang pinakahuling kaso na na-detect po natin was December 2023,” ani Domingo, sa isang public briefing.

Nauna rito, nagdeklara ng outbreak ng mpox sa Africa dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit.

Nagsimula umano ito sa Democratic Republic of Congo at kumalat sa mga katabi pang bansa.

Una na rin namang inalerto ng DOH ang kanilang surveillance systems dahil sa naturang outbreak.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with