^

Bansa

Bong Go sa barangay leaders: Ilapit serbisyo sa Pilipino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go, miyembro ng Senate committee on local government, ang mahalagang papel ng mga pinuno ng barangay sa bansa sa kanyang pagdalo sa Liga ng mga Barangay - National Congress Cluster 1 sa World Trade Center, Pasay City.

Sa pagkilala sa frontlines sa grassroots, pinuri ni Go ang mga barangay official sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa pag-unlad ng kani-kanilang komunidad.

Aniya, direktang nakaaapekto ang pagsisikap ng barangay officials sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino, bilang napakahalagang katuwang sa paghahatid ng mga pampublikong serbisyo.

“Kayo ang naglalapit ng serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayang Pilipino. Kaya bilang inyong Kuya Senator Bong Go, magtulungan lang tayo na ilapit ang nararapat na serbisyo sa ating mga mamamayan,” dagdag ng senador.

Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, sinamantala ni Go na talakayin ang kanyang adbokasiya sa kalusugan, na nakatuon sa mga hakbang na nagdadala ng mga serbisyo sa mga mahihirap, tulad ng programa ng Malasakit Centers, Super Health Centers, at ang pagtatatag ng Regional Specialty.

“Ang ating layunin ay malinaw – siguraduhin na ang bawat Pilipino, lalo na sa mga liblib na lugar, ay may access sa dekalidad na serbisyong medikal,” pahayag ni Go.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with