Alice Guo, sinibak na ng Ombudsman bilang mayor
MANILA, Philippines — Sinipa na sa puwesto ng Office of the Ombudsman si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Batay sa 25-pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, napatunayang guilty si Guo sa grave misconduct.
Bukod dito, tinanggal na rin ang retirement benefits ni Guo at disqualified na rin ito para makaupo pa sa alinmang pwesto sa gobyerno.
Una nang inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Guo.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, gumawa sila ng isang task force upang imbestigahan ang umano’y koneksyon ni Guo sa mga iligal na gawain ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.
Maging ang Comelec at National Bureau of Investigation (NBI) ay gumawa rin ng hiwalay na pagsisiyasat ukol naman sa kanyang identity.
- Latest