No. 1 din sa loneliness
MANILA, Philippines — Ikinababahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat ng Programme for International Student Assessment (PISA) na bullying capital of the world ang Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Second Congressional Commission on Education (EdCom 2) Executive Director Karol Mark Yee na bukod sa bullying, nanguna rin ang Pilipinas sa loneliness.
“We are the bullying capital of the world based on PISA because the highest prevalence of bullying and then loneliness sa Pilipinas nangyayari,” ayon pa kay Yee.
Lumalabas aniya sa pag-aaral na nararamdaman ng Filipino students na hindi sila “belong” o nabibilang kaya malulungkot sila na dapat agad tugunan.
Ayon naman kay Secretary Sonny Angara, na mahigpit na babantayan ng DepEd ang mga eskwelahan kung maayos na naipapatupad ang batas tungkol sa anti-bullying.
Inamin din ni Angara na iilang eskwelahan lang ang mayroong sariling polisiya sa anti-bullying kaya dapat imonitor ang pagpapatupad ng naturang batas.