^

Bansa

‘Moro-moro raid’ sa KOJC compound iimbestigahan ng House

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Surigao del Norte 2nd District Cong. Robert Ace Barbers sa Kongreso ang diumano’y ‘scripted’ o moro-morong raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound noong nakaraang linggo kaugnay ng patuloy na paghahanap sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Barbers, kailangan na bigyan linaw ni NBI Region 11 Director Archie Albao ang akusasyon laban sa kaniya na ‘moro-moro’ lamang ang ginawa nitong raid kamakailan sa compound ni Quiboloy.

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na marami ang nakapansin ng  tila ‘scripted’ at pawardi-warding paghahalughog ng NBI sa nasabing compound.

“Mabigat ang akusasyon kay Director Albao. Mahalaga na maimbestigahan ito para malaman natin ang katotohanan tungkol sa isyung ito. Ayaw natin magbigay ng ating conclusion dahil kailangan natin marinig ang anomang sasabihin ni Director Albao,” ani Barbers.

Ani Barbers, maraming kailangang ipaliwanag si Albao sa Kamara de Representantes kabilang na ang akusasyon laban sa kaniya na malapit umano siya o ang tinatawag na may “close ties” kina Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyan diin naman ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na kilala si Quiboloy bilang eksperto sa pagtatahi ng mga maling impormasyon at fake news kaya dapat lamang na maimbestigahan ang mga akusasyon laban sa NBI Region 11.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->