^

Bansa

Budget ni VP Sara nadagdagan pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na nadagdagan pa ang budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ngayong 2024.

Ito ang nilinaw ni DBM Secretary Amenah Pangandaman matapos ihayag ni Vice President Sara Duterte na kaya siya nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ay dahil sa mishandling o hindi tamang paghawak ng pondo.

Giit pa ng kalihim sa ambush interview sa Malakanyang na nasa P711 bilyon ang budget ni Duterte sa National Expenditure Program (NEP)

Subalit pagdating aniya sa General Appropriations Act (GAA) ay tumaas sa P715 bilyon.

Ang pagtaas aniya ng pondo ni Duterte ay dahil sa implementasyon ng Matatag curriculum program ng DepEd.

Ayon pa kay Pangandaman, iginagalang ng DBM ang pasya ng mga mambabatas nang dagdagan ang pondo ng DepEd.

Dahil tiyak naman aniya na dumaan sa masusing pagbusisi ng mga mambabatas ang pondo.

BUDGET

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with