^

Bansa

Solon, lito sa EO 13 binatikos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos at pinagtawanan ng legal experts si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay pag-unawa nito sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang Philippine Offshore Gaming Corporation.

Lumilitaw na batay sa inilabas na EO 13 noong 2017 ni ex-president Duterte, malinaw na nakasaad ang mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas.

Ayon sa mga legal experts sa batas, malinaw na hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensyadong operator lang ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na pinasa na ng Kongreso.

Subalit tila taliwas naman ito sa pahayag ni Luistro sa kanyang argumento na ang EO 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas.

“Ipinapakita ng kanyang mga salita ang kanyang kakulangan sa pag-unawa sa isyu kung paano gumagana ang mga executive order sa loob ng mas malawak na balangkas ng batas,” anang legal experts.

Sa ilalim ng Republic Act 11590 na ipinasa ng Kongreso noong 2021, nagpapatibay ito ng kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming.

Kabilang sa ipinag-utos nito ay pag-require sa mga POGO na kumuha ng lisensya at magbayad ng buwis.

Anila, hindi lamang ito mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives.

Giit pa ng mga ito, kailangang magtaglay ang mga mambabatas ng sapat na kaalaman upang matiyak ang epektibong pamahalaan at protektahan ang integridad ng mga institusyon.

PAGCOR

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with