Isinulong sa Senado: Retirement age ng pulis, 57; teachers paiikliin sa 60
MANILA, Philippines — Isinusulong ng ilang Senador ang pagpapalawig sa edad ng pagreretiro ng mga pulis, mga guro at non teaching personnel ng Department of Education (Deped).
Sa inihaing Senate Bill No. 2758 o ang Act Increasing the Compulsory Age of Retirement for Officers and Non-officers of the Philippine National Police (PNP) ni Sen. Imee Marcos, nais nitong itaas ang retirement age mula sa 56 sa 57 taong gulang.
Nais din amyendahan ng panukala ang section 39 of Republic Act no. 6975, otherwise known as the “Department of the Interior and Local Government act of 1990.”
Layon ng panukala na gayahin ang retirement age ng PNP officers at personnel mula 56 hanggang 57 taong gulang katulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), para masiguro ang continuity at stability ng liderato at excellence sa PNP.
Sa kasalukuyan ang mandatory retirement age ng isang police officer ay 56 taong gulang.
Samantala, naghain din si Senate President Francis Chiz Escudero ng Senate Bill 58, o ang panukala na nagpapababa sa compulsory retirement age ng empleyado ng DepEd mula 65 years old sa 60 years old kabilang dito ang mga pampublikong guro.
Kung maipapasa ang batas na ito, dagdag ni Escudero, makikinabang dito ang daan-daang libong mga empleyado ng DepEd, parehong nagtuturo at hindi nagtuturo, na nais na gugulin ang pinakamagandang bahagi ng kanilang buhay sa ibang trabaho bukod sa kanilang karaniwang tungkulin sa gobyerno.
“The present system at the DepEd needs skills updating and professional advancement of their personnel in order that services rendered at the department would be restructured and modernized yet perpetual,” giit pa ng Senador.
Bukod dito, magbubukas din aniya ito ng oportunidaf sa mga batang guro at non teaching personnel para mga trabaho sa DepEd.
- Latest