MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpapahintulot sa paggamit ng shredded plastic bags na ihahalo sa mainit na aspalto para sa mas magtatagal na pambansang lansangan.
Sa Department Order No. 139, na nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan nitong Agosto 2, na nagsasabing ang lahat ng regional offices, district engineering offices at unified project management office clusters ay maaring maghalo ng plastic na winasak o ginutay sa hot mix asphalt.
“The latest policy aims to promote the recycling of LDPE (low-density polyethylene) plastic bag waste by shredding and using it as an additive to reduce the susceptibility to permanent deformation of bituminous concrete surface course or asphalt concrete,” ayon sa news release na inilabas nitong Sabado, Agosto 10.
“This development is in line with the continuing efforts of the Department to support sustainable engineering and upgrade construction technology through adoption of successful research studies,” ayon pa sa DPWH.
Iniutos ang paggamit ng nasabing basura matapos pumasa sa tests at standards na itinakda ng Bureau of Research and Standards, ayon sa DPWH.