^

Bansa

Travel tax exemptions sa Palawan, Mindanao na bibiyahe sa 3 bansa aprub ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Travel tax exemptions sa Palawan, Mindanao na bibiyahe sa 3 bansa aprub ni Pangulong Marcos
Passengers heading to their respective provinces for the Holy Week break flock to Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 on March 27, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang travel tax exemptions para sa mga pasahero mula sa international airport at seaports sa Palawan at Mindanao na patungo sa Brunei, Indonesia at Malaysia.

Batay sa Memorandum Order No. 29 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 6, layunin nito na mapalakas pa ang economic development sa Mindanao at Palawan.

Hanggang Hunyo 30, 2028 tatagal ang tax exemption maliban na lamang kung babawiin ng Pangulo.

Kasama sa tax exemption ang mga pasahero na mayroong connecting flights mula sa Mindanao at Palawan patungo sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area sa loob ng 24 oras.

Maari namang makuha ang Travel Tax ­Exemption Certificate sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with