^

Bansa

Imee: Friends pa rin kami ni VP Sara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Sen. Imee Marcos na hanggang nga­yon ay kaibigan pa rin niya si Vice President Sara Duterte.

“Oo naman oo naman. Ako ayoko nakiki­pa­g-away, ako inaaway ‘yun ang problema. Ayoko talaga makipag-away,” ayon kay Sen. Marcos.

Aminado naman si Marcos na wasak na ang “uniteam” na nabuo sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos at mga Duterte.

“Gusto ko sana uniteam forever pero mukhang wasak na ‘yan eh. Talagang nakakasama ng loob. I hope there’s still something that can be done kasi above everything else dapat ang Pilipinas ang unahin,” ani Marcos.

Ipinagtanggol din ni Imee si VP Sara sa pinakahuli nitong banat laban sa gobyerno.

Ayon kay Marcos, ang mga sinabi ng bise presidente ay sumasalamin sa sentimiento at mithiin ng mga Pilipino.

“Well sa palagay ko ang pinahiwatig naman ni VP Sara pareho lang sa lahat ng mithiin ng lahat ng Pilipino ‘yun naman ang gusto natin na mawala ‘yung baha, maibsan ‘yung bagyo, na ‘yung PhilHealth ay talagang tumupad sa kanilang mandato, magkaroon ng murang pagkain at ‘yung peace and order talaga namang matiwasay na ang ating buhay. ‘Yun lang naman talaga ang ating hangarin lahat tayo,” ani Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na marami pang “areas” na puwedeng magkaroon nang pagbabago.

“At eto nga, may pitik sa administrasyon, sa palagay ko ‘di naman maiiwasan ‘yan eh, may areas na pwede talaga tayong mag-improve,” ani Marcos.

Matatandaan na sinabi ni Duterte na ang Pilipinas ay pinamumunuan dapat ng mga taong may malasakit at kakayanan para itaguyod ang malinis na pamahalaan at pag-unlad ng bayan.

“Subalit ang Pilipinas ngayon ay pinamumunuan ng mga taong walang katapatan sa trabahong sinum­paan,” anang bise presidente.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with