^

Bansa

Solon kay Sara: Asan ka ‘pag kailangan ka ng Pinas?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Solon kay Sara: Asan ka ‘pag kailangan ka ng Pinas?
Vice President Sara Duterte on June 19, 2024.
Photos courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Pinatutsadahan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua si Vice President Sara Duterte kung bakit ito palaging nawawala at nanahimik kapag kailangan siya ng Pilipinas tulad ng mga panahon na ginigipit at inaapi ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga sundalong Pinoy sa West Philippine Sea (WPS)

Sinabi ni Chua na hindi maikakaila na umiiwas ang Bise Presidente sa mga isyu na may kaugnayan sa pangangamkam at pagpapalawak ng nasasakupan na ginagawa ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Ang ama ni Sara na si dating pangulong Rodrigo Duterte ay kilala umanong malapit sa China kaugnay ng pro-China policy nito.

Binigyan diin ng solon na bilang Bise Presidente ay dapat lamang na maka-Pilipino ito at hindi nananahimik sa ginagawang pagmamalabis ng China sa mga Pilipino.

“Nasaan siya noong parating na ang Typhoon Carina, noong pumutok ang Mount Kanlaon, noong may bombang sumabog sa Mindanao State University, noong tinutuyot ng El Niño ang mga palayan? Nasaan siya noong kailangan siya ng mga Pilipinong sabi niya’y mahal niya?.”

Noong binubutas ng China Coast Guard ang rubber boats ng mga Pinoy at sinasagasaan sa dagat ang fishing boats ng ating mga ma­ngingisda ay nananahimik lamang anya ang Bise Presidente.

Sa kasagsagan ng super typhoon Carina kamakailan, si VP Duterte kasama ang kaniyang pamilya ay lumipad patungong Munich, Germany para magbakasyon.

Ayon kay Chua idinaraan ni VP Duterte sa paandar, pakwela at mag-selfie para pagtakpan ang kanyang kakulangan sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin.

Dagdag pa ni Chua na ipinapakilala ni VP Duterte ang sarili nito bilang isang kampeon ng masa gamit ang mga ampaw na salita at pangkalahatang pahayag, habang wala namang tunay at konkretong resulta na maipakita bilang Pangalawang Pangulo at maging kahit noong ito pa ang kalihim ng Department of Education (DepEd).

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with