^

Bansa

Pangulong Marcos ipinagmalaki: Police ops makatao, ‘di madugo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang dugong dumanak at naging makatao ang operasyon ng pulisya sa pagsugpo sa iligal na droga at iba pang kriminalidad sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa talumpati ng Pangulo sa ika-123 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, sinabi niya na hindi lang naging epektibo kundi legal, makatao at naaayon sa batas ang mga paraan ng pulisya sa pagsugpo sa iligal na droga, smuggling, iligal na sugal, private armed groups, human trafficking at iba pang kriminalidad.

Pinuri rin ni Marcos si PNP Chief General Rommel Marbil dahil sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagsagawa ng mga agresibong hakbang para mapanatili ang mga nakamit na kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Bukod dito, mas pinatindi rin aniya ng PNP ang kanilang mga operasyon at pinalakas ang deployment ng mga pulis kaya bumaba ang kriminalidad sa bansa partikular sa mga lugar na mataas ang krimen.

Kasabay nito, hiniling ng pangulo sa kapulisan na suportahan ang pamumuno ng PNP.

Kasabay nito, kinilala rin ni Marcos ang sakripisyo at serbisyo sa bansa ng PNP.

“So, as we commemorate your anniversary, we commend your sacrifices, hard work, and genuine service for the country. Remember that your tasks, regardless of magnitude or gravity, leave an impact on the lives of our people,” ayon pa sa Pangulo.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with