^

Bansa

Bilang ng may trabaho dumami — NEDA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bilang ng may trabaho dumami — NEDA
Job seekers attend a job fair to meet different employers at the Mall of Asia in Pasay City on May 9, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inihayag ni National Economic and Development Autho­rity (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan na tuluy-tuloy ang pagpapaigting ng gobyerno sa mga istratehiya nito upang lumikha ng mataas na kalidad na mga oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino, dahil nananatiling matatag at nababanat ang labor market sa bansa, na pumapasok sa record-low unemployment rate noong Hunyo 2024.

Iniulat kahapon ni Philippine Statistics Authority (PSA) na ang unemployment rate ng bansa para sa Hunyo 2024 ay bumagsak sa kapansin-pansing 3.1 porsyento, na mas mababa sa 4.1% noong Mayo 2024 at 4.5% noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang rate na ito ay tumutugma sa record low na itinakda noong Disyembre 2023, na minarkahan ang pinakamababang unemployment rate sa halos dalawang dekada.

Ang Pilipinas ay nagtala ng 50.3 milyong indibidwal na may trabaho, kung saan nangunguna ang sektor ng serbisyo sa 58.7 porsyento ng kabuuang populasyon na may trabaho.

Naobserbahan din ang paglago ng trabaho sa sektor ng konstruksiyon (+938,000) at pagmamanupaktura (+353,000). Ang pagbabang ito ay nauugnay sa mga epekto ng gulo ng panahon, natural na sakuna, peste at sakit, at ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nagtala rin ang PSA ng underemployment rate na 12.1%, bahagyang pagtaas mula sa 12.0% noong ­Hunyo 2023. Ang pagtaas na ito ay katumbas ng 208,000 empleyado na naghahanap ng mas maraming oras ng trabaho o karagdagang trabaho.

Ang patuloy na pagpapabuti ng labor market ay makikita sa pagtaas ng bilang ng full-time (+3.1 milyon), sahod at suweldo (+2.0 milyon), at middle-skilled (+1.7 milyon) na manggagawa.

Bukod dito, nagkaroon ng malaking pagbaba sa part-time (-1.5 milyon) at mahinang trabaho (-521,000) kumpara noong 2023.

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHO­RITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with