MANILA, Philippines — Dapat sa pagkain na lang ng mga Pinoy napunta ang ginastos ng gobyerno para sa security detail ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang pahayag at panghihinayang ni Presidential Adviser on Po¬verty Alleviation (PAPA) Secretary Atty. Larry Gadon dahil sa mistulang nakagigimbal ang P500 milyon pondo na iginastos lamang sa 433 security detail
Anya, mas naging kapaki-pakinabang sana sa mga Pilipino kung ang nabanggit na pondo ay inilaan na lamang para pakainin ang mga nagugutom at tulungan ang mahihirap na ngangailangan ng tulong.
Lumilitaw na tumatanggap ng P50,000 kada buwan ang 433 security ni VP Sara sa loob ng dalawang taon, na nangangahulugan ng higit sa P20 milyon kada buwan, at sa loob ng 24 buwan ay umaabot sa P480 milyon.
Dagdag pa niya, may mga datos na madaling hanapin sa online na nagpapakita na ang Office of the Vice President (OVP) ay gumastos ng P55 milyon mula 2022 hanggang 2024 para sa special duty allowances ng mga military at uniformed personnel.
Ikinumpara ni Gadon sa panahon ng termino ng nakaraang Bise Presidente, ay gumastos lamang ng nakatakdang P5.7 milyon kada taon para sa special duty allowances na malayo sa P25 milyong alokasyon ni Duterte sa parehong mga allowance hanggang sa taong ito.