Philippines at Germany patitibayin alyansa
MANILA, Philippines — Balak ng Pilipinas at Germany na magkaroon ng kasunduan sa security at defense para mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sa courtesy call ni German Federal Defence Minister Boris Pistorius kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Malakanyang, sinabi nito na sisikapin ng kanilang hanay na maplantsa ang kasunduan ngayong taon.
Ito ay para mapanatili at matiyak ang seguridad at stability sa rehiyon.
Sinabi pa ni Pistorius, na nakausap na niya si Defense Secretary Gilbert Teodoro tungkol sa nasabing kasunduan at nais nilang magkaroon ng security at defense agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Target aniya ng dalawang lider na lagdaan ang kasunduan hanggang sa katapusan ng taon.
Sinabi pa ni Pistorius na naipadala na nila ang draft ng kasunduan noong nakaraang linggo at patuloy pa rin nila itong pinaplantsa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Germany para sa pagsuporta sa rules-based international law na pinanghahawakan ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na usapin sa West Philippine Seas (WPS).
Kasama ng German defense minister na nakipag- courtesy call kay Pangulong Marcos si German Ambassador to the Philippines Andreas Pffafernoshcke.
- Latest