^

Bansa

DND bibili ng P11.7 billion ballistic ­helmets, body armor para sa Philippines Army

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mapalakas pa ang kapabilidad ng depensa, maglalaan ang Deparment of National Defense (DND) ng P11.7 bilyong halaga para sa pagbili ng ballistic helmets at body armor para sa 115,000 miyembro ng Philippine Army.

Sa bulletin na ipinoste ng DND sa website, ang ballistic helmet project ay may pondong P2.875 bilyon.

Ang bidding ay bukas para sa mga dayuhan at maging sa mga local na manufacturer. Ang magwawaging bidders ay obligadong magdeliver ng ballistic helmets sa loob ng limang taong period na ang batches ay dapat nasa 23,000 piraso kada taon.

Sa hiwalay na bid bulletin, sinabi rito na nasa P8.832 bilyon naman ang alokasyon para sa pagbili ng military body armor para sa kabuuang 115,000 puwersa ng hukbong katihan. Inihayag dito na ang magwawaging bidders ay kailangang maideliver ang mga items sa loob ng limang taon na dapat ay ang batches ay nasa 23,000 kada taon.

Ang nasabing mga kagamitan ay gagamitin ng mga sundalo sa kanilang operasyon laban sa lahat ng banta sa pambansang seguridad tulad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), mga lokal na terorista at iba pa.

Isasagawa ang bidding sa isang bukas na proseso ng ‘competitive bidding” na tatalima sa IRR ng procurement law.

Itinakda ang pagbubukas ng bidding sa Agosto 20 sa tanggapan ng DND sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

DND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with