Bong Go bumisita, umayuda sa San Jorge, Samar
MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa lahat na palakasin ang bayanihan sa mga komunidad at unahin ang kanilang kalusugan at kapakanan sa gitna ng mapanghamong panahon.
Noong Sabado, bumisita si Go sa San Jorge, Samar bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng Araw ng Samar. Sa kanyang pagbisita, nakiisa si Go sa pagtitipon ng mga community health frontliners upang isulong ang kahalagahan ng healthcare lalo sa mahihirap na sektor.
Isinagawa sa San Jorge Municipal Covered Court, nakipagtulungan si Go sa pamahalaang panlalawigan sa pamamahagi ng suporta sa healthcare frontliners. Muling iginiit ng senador ang kahalagahan ng pagtutulungan para sa ikabubuti ng mga komunidad.
“Ang importante dito ay magtulungan lang po tayo at magmalasakit. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil andito lang ang gobyerno palaging magseserbisyo at magmamalasakit sa inyo. Hindi namin kayo pababayaan,” paniniyak ni Go.
“Pakiusap ko sa mga local official, huwag ninyong pabayaan ang mga kababayan natin, lalo na ‘yung mga mahihirap dahil kayo lang ang matatakbuhan nila,” patuloy niya.
Namahagi ang Malasakit Team ng mga grocery packs, kamiseta, basketball, volleyball, bitamina, at meryenda sa 1,000 indibidwal na binubuo ng Barangay Health Workers (BHW), daycare workers, at Barangay Nutrition Scholars (BNS). Namigay din ang senador ng mga bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo sa mga piling benepisyaryo.
Upang matiyak ang patas na kompensasyon at benepisyo para sa frontliners, inihain ni Go ang Senate Bill No. 427, kilala rin bilang Barangay Health Workers Compensation.
- Latest