MANILA, Philippines — Inatasan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na madaliin ang paglalabas ng pinal na guidelines para sa salary increase ng mga government workers.
Ang kautusan ay ginawa ni Pangandaman matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 64.
“I already instructed our concerned DBM officials to swiftly complete the guidelines for the approved salary increase,” ayon sa kalihim.
Pinasalamatan naman ni Pangandaman si Pangulong Marcos sa paglagda sa EO na kailangang ipatupad ang SSL VI kaya aapurahin na nila ang pagpapatupad ng guidelines para ang mga empleyado ng gobyerno ay makikita ang first round ng salary increase ngayong 2024.
Niinaw naman ni Pangandaman na ang salary increase ay hindi lang para sa implementasyon kundi sa retroactive.
“Ang computation po para sa initial tranche natin ay retroactive to January 1, 2024, so merong salary differential or back pay,” ayon pa sa kalihim.
Inanunsiyo rin ni Pangandaman na ang salary increase ay napondohan hindi lang ngayong para sa 2024 kundi hanggang 2025 kaya tiyak na mayroon na rin increase sa susunod na taon.
“We can look forward to another round of salary increases with the implementation of the second tranche of SSL VI next year. The DBM has earmarked P70 billion under the FY 2025 MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) to cover the additional cost requirements for both the first and second tranches of SSL VI, with the latter taking effect on January 1, 2025,” giit pa ng kalihim.