^

Bansa

Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo
Philippines' Carlos Edriel Yulo reacts after competing in the artistic gymnastics men's floor exercise final during the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 3, 2024.
Paul ELLIS / AFP

MANILA, Philippines — Agad na binati ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. si Carlos Yulo matapos masungkit ang kauna-unahang gold medal para sa Pilipinas sa gymnastics sa 2024 Paris Olympics.

“Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you!,” pahayag ng Pangulo.

“We’ve witnessed history as Carlos Yulo clinched the Philippines’ first gold medal in artistic gymnastics at the Paris 2024 Olympics,” anang Pangulo. “I am confident that this will not be the last.”

Tinalo ni Yulo sina Artem Dolgopyat ng Israel na nakakuha ng silver medal at Jake Jarman ng Great Britain na nakakuha ng bronze medal.

Base sa Republic Act 10699 na nilagdaan noong 2015, ang mga makakasungkit ng gold medal sa Olympics ay tatanggap ng cash incentive na P10 milyon. Bibigyan naman ng P5 milyon ang makakapag-uwi ng silver medal at P2 milyon para sa bronze medal.

Inihayag din ng Megaworld na ang mga atleta na mag-uuwi sa bansa ng gold medal ay bibigyan nila ng special prize na isang condominium unit na nagkakahalaga ng P14 milyon.

Ang condo unit ay nasa 50-hectare McKinley Hill township sa Taguig City.

Ang two-bedroom unit ay fully furnished at malapit sa sikat na Venice Grand Canal.

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with