^

Bansa

Anggulong ‘paihi’ sa oil spill sa Bataan sinisilip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Anggulong âpaihiâ sa oil spill sa Bataan sinisilip
Aerial photo shows an oil slick in Manila Bay, some two kilometers off the coast of Malolos, Bulacan yesterday. A tanker carrying 1.4 million liters of industrial fuel sank in bad weather off Manila Bay, killing one crew member and leaving the Philippines facing the possibility of its worst oil spill ever.
AFP

MANILA, Philippines — Nais ni ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo na silipin din ng Department of Justice (DOJ) ang anggulo na ang mga lumubog na oil tanker noong kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat ay maaring sangkot sa “paihi” ng langis.

Maging si Justice Secretary Crispin Remulla kasi ay naniniwala na magkakasama ang tatlong lumubog na barko sa isang iligal na gawain.

Ani RemAulla, hindi raw aksidente kundi krimen ang nagawa ng mga nasabing kumpanya ng barko matapos itong makipagpulong sa mga opisyal ng Phili­ppine Coast Guard.

Ayon pa kay Cong. Tulfo, “matagal ng gawain itong “paihi” sa lugar na ‘yan para makaiwas sa pagbabayad ng buwis sa Bureau of Customs (BOC) ang ilang tusong oil importers “.

“Habang naka-angkla sa laot at malayo sa mata ng mga otoridad ang mga oil tanker galing sa ibang bansa, tatabihan ng mga local oil tankers natin, tulad ng mga lumubog na barko na yan, para ilipat ang kargang langis sa kanila”, paliwanag ni Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, “at kapag na-load na ang mga imported na langis sa maliliit na tanker, deretso na ito sa iba’t-ibang pier sa bansa… libre na talaga ito sa pagbayad ng buwis sa BOC”.

Matatandaan na magkasunod na lumubog ang motor tankers na MT Terranova at MT Jayson Bradley sa Limay at Mariveles, Bataan noong kasagsagan ng Habagat noong Hulyo.

Pagkalipas ng ilang araw ang MV Mirola 1 naman ang sumadsad sa Mariveles, Bataan.

“At kung mapatunayan ng mga otoridad na iligal ang lakad ng lumubog ang mga barko, kasuhan at ikulong ang lahat ng sangkot dyan”, pahayag ni Tulfo.

Aniya, marami na naman ang mawawalan ng hanapbuhay at milyon-milyon na naman ang gagastahin ng pamahalaan sa clean up operation dahil sa oil spill.

ACT-CIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with