^

Bansa

Maritime activity ng Philippine Navy, Japan binuntutan ng 2 barko ng China sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Maritime activity ng Philippine Navy, Japan binuntutan ng 2 barko ng China sa West Philippine Sea
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), tinukoy ang dalawang barko ng China na Jiangdao-Class corvette na may bow number 624 at Jingkai Class frigate 574.
Armed Forces of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Binuntutan ng dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy ng People’s Republic of China ang isinasagawang bila­teral Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Philippine Navy (PN) at Japan Maritime Self-Defence Force (JMSDF) sa West Philippine Sea nitong Biyernes.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), tinukoy ang dalawang barko ng China na Jiangdao-Class corvette na may bow number 624 at Jingkai Class frigate 574.

Ang Chinese warships ay nasa distansiyang 4 nautical miles at 4.9 nautical miles mula sa multi-role guided missile frigate BRP Jose Rizal (FF-150) at Takanami class destroyer IS Sazanami (DD 113).

Sa kabila nito ay hindi naman nanghimasok o nakialam ang Chinese vessels sa isinasagawang magkasamang paglalayag ng PN at JMSDF.

“The presence of the PLA-N vessels was closely monitored, and the exercise proceeded as planned, achieving its objectives of improving tactical capabilities and strengthening cooperation between the JMSDF and the PN,” ayon sa AFP.

Nitong Agosto 2 isinagawa ang kauna-unahang bilateral MCA ng AFP at JMSDF sa gitna na rin ng matinding tensiyon sa pinagtatalunang teritoryo.

Nagsagawa naman ang BRP Jose Rizal (FF 150) at JS Sazanami ng communications exercise (Commex), tactical maneuvering at photographic exercise.

Noong nakaraang Abril ay nagsagawa rin ang mga navies ng Pilipinas, US, Australia na nilahukan rin ng JMSDF na sama-samang paglalayag sa WPS.

ARMY

NAVY

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with