^

Bansa

Bato handang magpa-interview sa mga ICC prosecutors

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bato handang magpa-interview sa mga ICC prosecutors
Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa in the Senate on this photo uploaded on his official Facebook fanpage.
Photo from the Office of Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Nakahanda si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) kung ang layunin lamang ng mga ito ay kapanayamin siya.

“Kung makipag-communicate sila sa akin walang problema. Kung gusto nilang mag-interview, they can interview me anytime. Mag-iinterview lang sila, pero it doesn’t mean na yumuyuko ako sa kanilang jurisdiction,” sabi ni Dela Rosa sa panayam ng Radyo 630.

Nilinaw ni Dela Rosa na nakahanda naman siyang makipag-usap at sagutin ang mga itatanong sa kanya.

“Gusto ko lang na — e kung gusto [nila] mag-usap sasagutin ko ang mga tanong nila, pero it doesn’t mean na nire-regress ko ang kanilang jurisdiction over us,” ani Dela Rosa.

Pero nilinaw din ni Dela Rosa na hindi nangangahulugan na kinikilala niya ang jurisdiction ng ICC sa kanya.

“Hindi ‘yan ang term [na] cooperation. Kuwan lang, I just want to show amity or pagiging isang normal na indibidwal na kung magtanong ay hindi tayo bastos na sumasagot. Sasagutin ko, pero hindi ibig sabihin na kinikilala ko ang kanilang hurisdiksyon sa akin,” ani Dela Rosa.

Inihayag din ni Dela Rosa na sasama ang kanyang loob sakaling nagbago ang “policy direction” ng gobyerno at makipagtulungan sa ICC tungkol sa imbestigasyon ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Pinanghahawakan pa rin niya ang sinabi ni Pangu­long Marcos na walang karapatan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas.

Wala ring balak si Dela Rosa na sumapi sa New People’s Army sakaling siya ay magipit dahil ma­rami rin aniya siyang kalaban sa nasabing grupo na papatay sa kanya.

ICC

RONALD “BATO” DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with