^

Bansa

Bagong tranches sa salary hike ng gov’t workers suportado ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagsuporta si Senador Christopher “Bong” Go sa panukalang paggamit sa excess fund upang ipatupad ang bagong tranche ng salary increase ng mga empleyado ng gobyerno.

Pinuri ng senador ang Department of Budget and Management sa hakbang na ito na naaayon sa kanyang inihain na panukalang batas na nagmumungkahi ng Salary Standardization Law (SSL) 6.

Noong nakaraang taon, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2504, o ang “Salary Standardization Law VI,” na naglalayong buuin ang mga probisyon ng naunang pinagtibay na Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law (SSL) 5 na siya rin ang may-akda at co-sponsor sa Senado noong 2019 at ipinatupad mula 2020-2023.

“Pagkilala ito sa serbisyo ng mga ordinaryong kawani ng gobyerno na nagsasakripisyo upang magsilbi sa bayan. Malaking tulong ito sa mga empleyado sa pampublikong sektor para malampasan ang mga hamon tulad ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” dagdag niya.

Sa pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, nilinaw ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga legal na batayan at mga benepisyo ng paglilipat ng mga hindi nagamit na pondo mula sa iba’t ibang entidad ng gobyerno upang mapabuti ang public welfare at priority services, kabilang ang pagtataas ng kompensasyon sa public sector.

Sa kanyang bahagi, inulit ni Go ang kanyang apela sa mga ahensya na i-maximize ang kanilang magagamit na badyet upang mapabuti ang mga serbisyo nito na ang makikinabang ay mga mahihirap at nangangaila­ngang sektor.

BONG GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with