VP Sara may higit 300 pang bodyguard - DOJ
Kahit binawi ng PNP 75 security
MANILA, Philippines — Idinipensa ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) na pagbawi sa 75 security detail ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Remulla, wala siyang nakikitang masama dito dahil mayroon pa namang mahigit sa 300 bodyguard ang bise presidente, na mas marami pa kumpara sa security detail ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..
“I don’t think it’s a bad matter to recall some of the personnel and she still has 300 bodyguards, bigger than the President’s security,” pahayag ni Remulla.
Matatandaang una nang binawi ng PNP ang 75 sa 106 opisyal na nakatalaga upang magbantay ng seguridad ni Duterte.
Ipinaliwanag naman ng PNP na ito’y upang tugunan ang kakulangan ng pulis sa Metro Manila.
Tinawag naman itong political harassment ni Duterte at umapela pa sa kanyang mga kaalyado at tagasuporta na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.
- Latest