^

Bansa

Alice Guo, pinasasampahan ng pormal na reklamo ng Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Fingerprint, tumugma kay Guo Hua Ping

MANILA, Philippines — Pinasasampahan na ng pormal na reklamo ng Commission on Elections (Comelec) si suspended Mayor Alice Guo dahil sa material misrepresentation sa kanyang kandidatura sa 2022 National and Local Elections (NLE) na nagluklok sa kanya bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.

Ito’y matapos na magtugma ang kanyang fingerprint sa fingerprint ng Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, lumitaw sa imbestigasyon ng kanilang fact-finding committee at ng analysis ng mga eksperto na matched ang fingerprints ni Guo sa kanyang election records, sa fingerprint ni Guo Hua Ping, na isang Chinese.

“Ang recommendation ng aming fact-finding panel ay mag-file ng formal complaint laban kay Mayor Guo dahil sa misrepresentation sapagkat napatunayan ng aming mga eksperto na ‘yung anim na fingerprint, dalawa mula sa NBI at kasama po dun ‘yung alien certificate of registration ng isang Guo Hua Ping at ‘yung lima pa na fingerprints ng isang Alice Guo na kumuha ng NBI clearance. At the same time, ‘yung nag-apply ng candidacy, nag-apply na botante sa Bamban, Tarlac, bumoto nung May 2022 elections at bumoto na Alice Guo sa  BSKE noong 2023 ay iisang tao lamang,” pahayag ni Garcia.

Dagdag pa niya, “Therefore, dahil iisang tao, dahil Chinese si Guo Hua Ping, ang presumption may misrepresentation ‘yung Alice Guo na siya ay Pilipino. Ang sabi ng aming Law Department at panel, nangangahulugan na hindi siya Pilipino and therefore, dapat siyang kasuhan.”

Una nang binisita ni Garcia, kasama ang mga technical experts ng poll body, ang Bamban upang inspeksiyunin ang voter registration records ng alkalde, gayundin ang kanyang certificate of candidacy sa 2022 May polls, at ang election day computerized voters list (EDCVL).

Una na rin namang lumitaw sa imbestigasyon ng NBI na iisa lamang ang fingerprints nina Guo at Hua Ping.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with