‘Sisihan tigilan, pagbangon vs oil spill sa Bataan tutukan!’

PCG, environmentalists sinermunan

MANILA, Philippines — Pinatitigil ng grupong Pinoy Aksyon ang mga environmentalist at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa batuhan ng sisi at sa halip ay tutukan ang recovery efforts sa nangyaring oil spill sa Bataan na umabot sa karatig bayan.

Ayon kay Pinoy Aksyon chairperson Bency Ellorin, tanging ang Shogun Ships, ang may-ari ng MT Terranova, ang may sole accountability sa nangyaring aksidente.

Ani Ellorin, nakasaad sa RA 9484 at international maritime law na pananagutan ng barko ang anumang disgrasya o anumang insidente sa karagatan.

“Aksidente ang nangyari at dapat na tumutok sa ginagawang recovery ng Shogun Ships, Coast Guard at private sector,” ani Ellorin.

Kinuwestiyon din ni Ellorin ang PCG sa pagpayag nitong maglayag ang dalawang tanker sa kasagsagan ng bagyong Carina.

“Madaling manisi pero siguraduhing hindi para maghugas kamay. Lessons should be learned and end the preventable and irreversible ­damage to the environment,” dagdag ni Ellorin.

Show comments