^

Bansa

PUVMP pinasususpinde ng 22 senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang senador ang lumagda sa resolusyon para pansamantalang suspindihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), na tinawag na ngayong Public Transport Modernization Program (PTMP).

Nais ng mga senador na magkaroon muna ng linaw at maresolba ang mga isyu at problemang dulot ng PTMP.

Tanging si Sen. Risa Hontiveros lamang ang hindi pumirma sa Senate Resolution No. 1096.

Kabilang sa mga lu­magda sina Senate President Francis Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Majority Leader Francis Tolentino, Minority Leader Aquilino Pimentel III, at Sen. Raffy Tulfo, chairman ng ­Senate Committee on Public Services.

Pumirma rin sina Nancy Binay, Alan Peter Cayetano, Pia Ca­yetano, Ronald dela Rosa, Loren Legarda, JV Ejercito, Sherwin Gatcha­lian, Christopher “Bong” Go, Lito Lapid, Imee Marcos, Robinhood Padilla, Grace Poe, Ramon “Bong ” Revilla Jr., Joel Villanueva, Cynthia Villar, Mark Villar, at Juan Miguel Zubiri.

Ayon sa resolusyon, bagaman at mahalaga ang PTMP sa solusyon sa pamamahala ng trapiko, pero dapat isaalang-alang ang pangamba ng mga tsuper at transport operators na direktang mabibigatan sa pagpapatupad nito.

Sa kabila ng Abril 30, 2024 na deadline na itinakda ng Department of Transportation (DOTr) para sa konso­lidasyon ng mga public utility vehicles (PUVs), tinukoy ng resolusyon na 36,217 units, o humigit-kumulang 19% ng mga jeepney at iba pang PUV, ang hindi pa nako-consolidate.

Ipinunto rin sa resolusyon na nakakaalarma ang potensyal na pag-phaseout ng iconic na disenyo ng jeepney dahil sa modernong design ng mga mini-bus na inangkat mula sa ibang mga bansa.

PUBLIC UTILITY VEHICLE MODERNIZATION PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with