MANILA, Philippines — Kasabay ng kanilang pagdadalamhati, namahagi rin ng tulong si San Pedro City, Laguna Congresswoman Ann Matibag sa mahigit dalawang barangay na naapektuhan ng hagupit ng bagyong Carina.
Kabilang sa inayudahan ng kongresista ay ang mga residente ng Carmen Homes sa Barangay San Antonio at Sitio Kangkungan South Fairways Homes sa Barangay Landayan.
Isinagawa ni Matibag ang pamamahagi ng tulong isang araw matapos ang libing ng kanyang ama na si Fiscal Rene Garcia.
“That’s what my father really taught me since when I was a young public servant to be more accessible to the people as an elected government official especially during times like this,” Matibag said. “My father told me that at any given situation, time or place, you have to serve your people 24/7,” ani Matibag.
Nagtungo ang kongresista sa Rosario Complex upang magbigay ng tubig, pagkain at cash assistance bukod pa sa mga pagkain ng mga bata mula sa isang fastfood chain.