^

Bansa

Responders, media pinuri

Pilipino Star Ngayon

Sa pananalasa ni Carina, Habagat

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang disaster responders at mga miyembro ng media na itinaya ang sariling buhay upang magligtas ng kapwa at ipaalam sa publiko 24/7 ang sitwasyon habang sinasalanta ng tubig-baha ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa kasagsagan ng supertyphoon Carina at malakas Habagat.

Sinabi ni Tolentino na sa kabila ng mga panganib, ang mga first responder, rescue volunteers, at mga miyembro ng media ay hindi nag-atubili na pumunta sa mga lugar na lubog sa baha upang tumulong sa ating mga kababayang na-trap sa baha at magbahagi ng napapanahong impormasyon sa publiko.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagsusumikap, ­dedikasyon, at sakri­pisyo,” ayon sa senador.

Napansin ng senador na ang mga round-the-clock na ulat mula sa media ay nagbigay sa mamamayan at pampublikong opis­yal ng impormasyon kung aling mga kalsada ang hindi na madaanan, at kung aling mga komunidad ang nangangailangan ng agarang tulong at rescue dahil sa matinding pagbaha.

Sinamantala rin ni Tolentino ang pagkakataong magpasalamat sa mga first responder, kinabibilangan ng mga unipormadong tauhan mula sa PNP, AFP, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard. Kinilala rin niya ang mga executive ng local government unit (LGU) at kani-kanilang disaster rescue teams at volunteers at ang Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA).

vuukle comment

HABAGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with