MANILA, Philippines — Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si supertyphoon Carina nitong Huwebes ng umaga pero patuloy pa ring nagbabanta ang mga pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon hanggang weekend.
“Carina is now less likely to directly bring heavy rainfall over any portion of the country. However, the southwest monsoon enhanced by CARINA will bring moderate to intense rainfall over various localities in the western portion of Luzon today through Saturday,” ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres
Base sa 5am bulletin ng PAGASA, nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes kung saan ang nasa 39 hanggang 61 kilometer per hour ng hangin ay maari pa ring makapinsala ng mga bahay na gawa sa mahinang uri ng materyales.
Sa Metro Manila, mararanasan pa rin ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Si Carina ay tumawid sa Taiwan Strait at ang pinal na landfall nito ay sa katimugang silangan ng China sa Huwebes ng hapon hanggang gabi, ayon pa sa PAGASA.