^

Bansa

Solons umayuda sa mga naapektuhan ng pagbaha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos humupa ang ulan sa Metro Manila, agad nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS partylist sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkules.

Nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng 2,000 food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City.

“Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil mara­ming kalsada ang sarado,” ayon kay Cong. Yap.

Aniya, “narinig kasi namin panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng ­evacuees matapos umapaw ang Marikina River”.

Si Cong. Erwin Tulfo naman ay agad nagpadala ng higit 100 food packs para sa 100 families na nasa dalawang barangay eva­cuation centers na malapit sa kanilang opis noong Miyerkules ng hapon.

“Tumawag kasi ‘yung Christ the King Church sa opis para hingan ng food ‘yung mga bakwit na karamihan ay mga nasasakupan ng parokya nila”, ayon kay Tulfo.

Ayon pa kay Tufo, hindi lang sa panahon ng ka­lamidad maari silang lapitan kundi maging sa mga problema ng tao sa medical, labor o legal man.

“Aantayin namin po kayo sa aming opis Monday to Friday from 8am to 4pm sa 81 Mother Ignacia Ave., ­Quezon City”, pahabol ni Cong. Yap.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with