^

Bansa

Office of the Vice President, kinumpirma Germany trip ni Vice President Sara sa kasagsagan ng bagyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP)ang pangingibang-bansa ni Vice President Sara Duterte, sa kabila nang pananalasa ng bagyong Carina at habagat sa bansa kamakalawa.

Sinabi ng OVP na ang biyahe ng bise presidente ay isang personal trip, kasama ang kanyang pamilya.

Tiniyak din ng OVP na ang pag-alis ni VP Sara ng bansa ay mayroong mga kinakailangang permiso, gaya ng travel authority mula mismo sa tanggapan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noon pang Hulyo 9, 2024, at nagkataon lamang na sa mismong araw ng biyahe nila nanalasa ang bagyong Carina at habagat sa bansa.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng OVP, na sa direktiba mismo ni VP Sara, ay palaging handa ang kanilang tanggapan upang tumulong sa mga mamamayan, partikular na sa panahong ito ng kalamidad.

“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities,” anya.

vuukle comment

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with