^

Bansa

Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-alok ang Social Security System (SSS) ng cala­mity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na naapektuhan ng bagyo  ay maaring mag-loan ng katumbas ng kanilang isang buwang suweldo o hanggang sa maximum na P20,000.

“SSS will always be ready to assist our members in typhoon-affected areas. We want to assure them that in times of calamities, they can rely on SSS to provide them the needed financial assistance as they recover from Typhoon Carina,” pahayag ni Macasaet.

Ang kailangan lamang ay naninirahan sa mga lugar na naideklarang calamity area, ang edad ay mababa sa 65 anyos sa panahon ng paghahain ng aplikasyon sa loan, walang benefit claim tulad ng permanent total disability retirement, walang nakaraang SSS short-term member loans, walang kasalukuyang restricted loan o calamity loan.

Ang mga interesadong miyembro ay maaring mag-apply ng calamity loan gamit ang kanilang SSS account via www.sss.gov.ph.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with