MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nang hindi mabanggit ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Sa ilalim ng panukala, sinumang mapapatunaysng sangkot sa smuggling, hoarding, at profiteer ay mananagot sa batas maging ang kanilang mga broker, storage at iba pang mga gamit ay maaring kumpiskahin ng pamahalaan.
Bukod pa ito sa pagkakakulong ng habambuhay at pagmumulta ng tatlong beses na halaga ng nakakumpiska o nahuling kargamento.
Para kay Briones, kahit anong gawing ayuda, pondong ibigay sa magsasaka, walang mangyayari kung patuloy na pagsasamantalahan ng smugglers, hoarders, cartel at profiteers. Mawawalang saysay din anya ang utos ni PBBM na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng agri products sa bansa kung ang BOC pa rin ang mag-iimbestiga at magsasampa ng kaso base sa walang silbing Anti-Agri Smuggling Act at walang nasasampolan na maparusahan ng habambuhay na pagkakulong.
Kaya hinihiling ni Briones at ng mga magsasaka at mangingisda kay Pangulong Marcos na sana maisakatuparan na ang “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act”.