‘Carina’ isa nang super typhoon
MANILA, Philippines — Isa na ngayong super typhoon ang bagyong Carina na nakatakdang mag-landfall sa kalupaan ng Taiwan, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules ng hapon.
Ang bagyong Carina ay lumakas nitong Miyerkules ng umaga at kinahapunan ay nasa kategorya na ng super typhoon.
Base sa klasipikasyon ng PAGASA, ang super typhoon ay may taglay na maximum na lakas ng hangin na nasa 185 kph o higit pa.
Si Carina ay may maximum na lakas ng hangin na nasa 185 kph at bugso na 230 kph. Inaasahan itong magla-landfall sa hilagang Taiwan anumang oras Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga. Ang bagyo ay tatawid patungong Taiwan at lilisan na sa PAR ngayong umaga ( Hulyo 25).
Ayon pa sa PAGASA, si Carina ay hindi nag-landfall sa Pilipinas pero nagdulot ito ng malalakas na pag-ulan na nakaapekto sa Northern Luzon at nagpalakas sa habagat.
Patuloy ding nagpapaulan ang southwest monsoon sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila kung saan nasuspinde ang klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno dulot ng matinding mga pagbaha.
- Latest