MANILA, Philippines — Inihayag ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) sa 2nd quarter ng 2024 “Boses ng Bayan” survey nito ang limang mayor sa National Capital Regiona na nagpakita ng natatanging pamumuno at pamamahala, kung saan sila’y mataas na niraranggo ng kanilang mga nasasakupan.
Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may 90.5%, sinundan ni Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon, 90.3%; Mayor John Rey Tiangco ng Navotas, 90.1%; Mayor Eric Olivarez ng Parañaque, 89.8%, at Mayor Along Malapitan ng Caloocan, 89.6%. Sila ay kilala sa kanilang epektibong pagtugon sa mga lokal na hamon at sa proactive na pamamahala ng kanilang mga lungsod.
Kinikilala din dahil sa kanilang kapuri-puri na pagganap sina Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela, 88.4%; Mayor Vico Sotto ng Pasig City, 88.2%, at Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City, 88.0%. Kasama rin sa listahan sina Mayor Ben Abalos Sr. ng Mandaluyong City na may 87.1% at Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City, 86.3%; Mayor Abby Binay ng Makati City, 85.5% at Mayor Lani Cayetano ng Taguig City, 83.2%.
Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, 81.4%; Honey Lacuna ng Manila, 80.1%; Imelda Aguilar ng Las Piñas City, 78.6%; Ike Ponce III ng Pateros, 76.8%, at Francis Zamora ng San Juan City, 73.3%.
Sa Kamara, ‘Top Performing Representatives’ sa NCR sina Rep. Toby Tiangco ng Navotas City (90.3%), Rep. Ralph Tulfo (90.1%) at Rep. Patrick Vargas ng Quezon City (90.0%), Rep. Stella Quimbo ng Marikina City (89.8%), Rep. Marvin Rillo ng Quezon City (89.7%), Rep. Marivic Co-Pilar ng Quezon City (89.5%), Rep. Oca Malapitan ng Caloocan (89.4%) at Rep. Benny Abante ng Manila (89.3%).
Dean Asistio ng Caloocan City (87.9%), Camille Villar ng Las Piñas City (87.7%), Ernix Dionisio ng Manila (87.5%), Kid Peña ng Makati City (87.2%), at Gus Tambunting ng Parañaque City (86.9%), Bel Zamora ng San Juan City (86.6%), Jaime Fresnedi ng Muntinlupa City (86.5%), Boyet Gonzales ng Mandaluyong City (85.2%), Roman Romulo ng Pasig City (84.2%), Tony Calixto ng Pasay City (84.0%), Arjo Atayde ng Quezon City (82.7%), at Edwin Olivarez ng Parañaque City (82.3%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, executive director ng RPMD, ang survey ay isinagawa mula July 1-10, 2024 na may 10,000 respondents.