TechSafeSpace, inilunsad ng UNODC tungo sa ligtas, responsible at inklusibong teknolohiya

Layunin ng TechSafeSpace na isulong ang isang ligtas na digital environment, itaguyod ang digital inclusion at responsibilidad, at pangalagaan ang karapatang pantao.

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na maling paggamit ng teknolohiya na nagpapakita ng seryosong banta sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya sa nakalipas na mga taon, inilunsad ng United Nations Office on Drugs and Cybercrime (UNODC) ang #TechSafeSpace. Ito ay naglalayong isulong ang isang ligtas na digital environment, itaguyod ang digital inclusion at responsibilidad, at pangalagaan ang karapatang pantao. 

“Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay bumabago sa ating global landscape,” ayon kay Dr. Joshua James, regional counter-cybercrime coordinator ng UNODC.

“Bagama’t pinahusay nito ang accessibility sa komunikasyon at kaalaman, nagbigay din ito ng pagkakataon para sa kriminal na pagsasamantala, na may mga implikasyon sa parehong transnational na organisadong krimen at personal na kaligtasan,” dagdag niya.   

Isang ulat ng UNODC na pinamagatang “Casinos, Money Laundering, Underground Banking and Transnational Organized Crime in East and Southeast Asia” ang nagpapakita ng pagtaas sa cyber-enabled fraud na isinasagawa ng mga grupong transnational organized crime sa Timog-Silangang Asya.  

Ang mga grupo ng transnational organized na krimen sa rehiyon ay karaniwang pinapatakbo nang lantaran, na kung minsan ay nagpapanggap bilang lehitimong negosyo o kahit mga organisasyong pangkawanggawa.

Ang kanilang mga aktibidad ay naging mas maayos, na nagbunga sa pagdami ng iba’t ibang cybercrimes, kabilang ang mga pag-atake ng ransomware, pandarayang kaugnay sa cryptocurrency, at mga pagsasamantala sa mga kabataan online. 

“Bagaman hindi ganap na bago ang mga gawaing ito, ang paggamit ng umusbong na teknolohiya sa mga kriminal na mga aktibidad ay lumalawak,” sabi ni James.

“Sa pagtaas ng Artificial Intelligence at iba pang umusbong na teknolohiya, ang pagsisikap na makipag tulungan sa pagitan ng pamahalaan at mga korporasyon ay kinakailangan upang matiyak ang ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya.” 

Inclusivity sa teknolohiya 

Sa kabila ng kapansin-pansing pagtaas ng accessibility sa internet sa buong Timog Silangang Asya, nananatili pa rin ang isang matinding digital divide, na humahadlang sa access at mga oportunidad para sa nakararami.

Partikular na kapansin-pansin ay ang underrepresentation ng kababaihan, na bumubuo lamang ng 35% ng mga manggagawa sa teknolohiya sa rehiyon. 

Si Suchanart Yord-in, programme assistant ng Counter-Cybercrime Team ng UNODC, ay tumugon sa mga hamon ng inclusivity sa teknolohiya, lalo na sa nakababahalang karahasan na batay sa kasarian. “Ang mga technology-facilitated gender-based violence ay tumataas sa mga nakaraang taon. Itinatampok nito ang agarang pangangailangan na pangalagaan at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan sa digital age,” sabi niya.

Isinaad ni Mel Migriño, SEA Regional Director ng Gogolook, na ang pagtugon sa disparidad na ito ay nangangailanngan ng koordinadong pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaan, tech firms at civil society.

“Mahalagang itaguyod ang digital inclusion sa sektor ng teknolohiya, palawakin ang access sa teknolohiya, at  tiyakin na ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakikinabang sa lahat na bahagi ng lipunan,” ayon kay Migriño.

Kabilang dito ang pag-udyok sa mga kababaihan at LGBTQIA+ na pumasok sa larangan ng science, technology, engineering at mathematics (STEM), kasabay mga programa ng mentorship at mga awareness campaign upang lumikha ng mas inklusibong tech environment para sa lahat.  

Karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag 

Ang mga banta ng teknolohiya sa karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag ay malawak. Ang mga pagkakataon ng online censorship, kung saan umiikot ang mga awtoridad ang pag-access sa impormasyon o pinipigilan ang mga boses ng mga tumututol, ay nagpapakita ng pangangailangan na pangalagaan ang kalayaan sa internet at labanan ang censorship at ang pang-aapi sa mga mamamahayag at propesyonal sa media. 

Ayon sa Artikulo 19 ng Universal Declaration of Human Rights, “Lahat ay may karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon; kasama sa karapatang ito ay ang kalayaang humawak ng opinyon nang walang panghihimasok at ang karapatan na hanapin, tanggapin, at ipahayag ang impormasyon at ideya sa pamamagitan ng anumang media at anumang hangganan.

Kinakailangang gawin ang mga hakbang upang itaguyod ang mga prinsipyo ng karapatang pantao at matiyak na ang bawat indibidwal ay makapagpahayag ng malaya at walang takot sa panahon ng digital.

Itinampok ni Yord-in ang papel ng internet sa mga pagkakataon sa edukasyon at sa pagkalat ng misinformation: “Binago ng internet ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao at ang paraan ng pag-access ng impormasyon. Ngunit sa kabila nito, pinapabilis din nito ang pagkalat ng misinformation, disinformation at hate speech.”  

Rekomendasyon para sa pamahalaan 

Isa sa mga pangunahing mensahe ng kampanya ay ang mahalagang papel ng mga pamahalaan sa pagharap sa mga hamon ng maling paggamit ng teknolohiya. 

“Ang mga pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng inclusivity, pagprotekta sa karapatang pantao, at paglaban sa misinformation sa digital realm” sabi ni James.

Dagdag pa niya, upang makamit ang mga layuning ito, mahalaga para sa pamahalaan na ipatupad ang mga komprehensibong estratehiya. Kabilang dito ang pagpapatibay ng mga gender-responsive digital policy, pagpapabuti ng access sa teknolohiya, at pamumuhunan sa pagsasanay sa digital skills. 

Bukod pa rito, ang pagtugon sa gender-based violence sa pamamagitan ng mga online harassment reporting system at pagsasanay sa kaligtasan ay mahalaga.

Rekomendasyon para sa publiko 

Isa pang mahalagang mensahe ng kampanyang ito sa publiko ay ang ating kolektibong responsibilidad na mag-ambag sa mas ligtas at mas inklusibong online environment.

Sinabi ni Thitirat Thipsamritkul mula sa Thammasat University, “Ang mga pagkakataon ng cyberbullying, harassment at hate speech ay maaaring malalim na makaapekto sa mental na kalusugan ng mga indibidwal at makasisira sa pagkakaroon ng online public space na kung saan ang mga tao ay maaaring magbahagi ng husto ng iba’t ibang mga ideya”, na nagpapakita ng impluwensya sa mga disenyo ng plataporma sa pag-uugali ng mga user at interes ng publiko. 

“Upang labanan ang mga problemang ito at lumikha ng mas ligtas na online space, ang mga plataporma ay dapat hikayatin ang sama-samang kultura upang maitaguyod ang paggalang sa karapatan ng iba at isulong ang inclusivity,” sabi ni Thitirat.

Nananawagan si James sa publiko na aktibong isulat ang anumang mga pang-aabuso na kanyang karanasan sa online space.

“Ang pag-uulat ng ilegal na aktibidad online ay napakahalaga ng bahagi ng proseso. Hinihikayat namin kayo na iulat ang mga bagay na nakikita ninyo online, at kung naniniwala kayong labag ito sa batas, subukan ding iulat ito sa inyong lokal na tagapagpatupad ng batas,” sabi ni James. 

 

Matuto nang higit pa tungkol sa kampanya dito: https://bit.ly/4cW1gNk #TechSafeSpace #UNODC


Editor’s Note: This press release from UNODC is published by the Advertising Content Team that is independent from our Editorial Newsroom.


 

for UNODC

Show comments