^

Bansa

POGO workers tutulungan — DOLE

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
POGO workers tutulungan — DOLE
Senator Win Gatchalian conducts an ocular inspection at a raided POGO hub in Porac, Pampanga on June 24, 2024.
Jesse Bustos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma kahapon na tutulungan nila ang lahat ng manggagawa na maaapektuhan ng pagsasara ng operasyon ng lahat ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Laguesma, aalukin nila ng mga trabaho at livelihood programs ang mga POGO workers na maaapektuhan ng ban.

Maaari na aniyang makipag-ugnayan sa kanila ang mga naturang POGO workers, simula ngayong linggong ito.

Bukod ito sa mga intervention na ginagawa ng DOLE, na may kinalaman sa upskilling, retrai­ning, livelihood program, at pagdaraos ng ispesikong jobs fair para sa local at overseas employment.

Nagsasagawa na rin ang DOLE ng profiling sa mga apektadong POGO workers upang matukoy ang mga trabaho na bagay sa kanila.

Kinumpirma rin ni Laguesma na sa 79 na internet gaming licenses, nasa 28 POGO firms na sa National Capital Region (NCR) ang nagbigay ng listahan ng kanilang mga manggagawa.

Karaniwan aniya sa mga trabahong hinawakan ng mga naturang manggagawa ay may kinalaman sa enco­ding, information technology, administrative, finance, at iba pa.

Ilan sa trabahong target nilang ibigay sa mga POGO workers ay nasa industriya ng business process outsourcing (BPO).

Matatandaang sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagba-ban sa lahat ng operasyon ng POGO sa bansa bunsod na rin ng pagkakasangkot ng mga ito sa scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, torture, murder at iba pa.

vuukle comment

DOLE

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with