^

Bansa

‘Carina’ mas lumakas; Metro Manila, iba pang lugar inulan, binaha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Carina’ mas lumakas; Metro Manila, iba pang lugar inulan, binaha
Dumanas ng matinding pagbaha ang bahagi ng Taft at UN Ave. sa Maynila habang nagtumbahan din ang mga puno sa Malingap St., Barangay Sikatuna, Quezon City dulot ng walang tigil na pag-ulan kahapon dala ng bagyong Carina na pinalakas pa ng habagat.
Edd Gumban/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa Orange Rainfall warning ang Metro Manila at iba pang mga karatig lugar nitong Martes ng hapon.

Ayon sa PAGASA, ang southwest monsoon o habagat ang nagpapaulan sa Metro Manila, Cavite Bataan at Zambales, ilang bahagi ng Batangas na kinabibilangan ng mga bayan ng Tuy, Nasug­bu, Lian, Calatagan at Balayan.

Ang mga lugar na isinailalim sa Orange rainfall warning ay daranas ng malalakas na pag-ulan na nasa 15 milimetro at 300 mm na ulan. Kaakibat naman nito ang mga pagbaha at landslide kaya pinag-iingat ang publiko.

Nakataas naman ang Yellow rainfall warning ang lalawigan ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Laguna at kabuuan ng Batangas. Ibinababala naman ang mga pagbaha sa mabababang lugar sa naturang mga lalawigan.

Taglay ni Carina ang lakas ng hangin na nasa 140 kph at bugso na 170 kph. Kumikilos ang bagyo sa pakanlurang direksiyon sa lakas na 15 kph.

Nakataas ang signal no. 2 sa Batanes habang signal No. 1 ang kabuuan ng Batanes; Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, silangang bahagi ng Isabela; hilagang bahagi ng Apayao; hilagang bahagi ng Ilocos Norte; Dilasag at Casiguran sa lalawigan ng Aurora; Polillo Islands; Calaguas Island at hilagang bahagi ng Catanduanes.

Si Carina ay magla-landfall sa hilagang bahagi ng Taiwan sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga at tuluyang lilisan na sa Philippine Area of Responsibility, ilang oras matapos ito.

vuukle comment

FLOOD

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with