Kabataan hinimok
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kabataan na tularan ang kabayanihan na ipinamalas ng bayaning si Apolinario Mabini.
Sa talumpati sa ika-160 kaarawan ni Mabini sa Mabini Shrine sa Tanauan City, Batangas, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay para magtagumpay sa buhay ang mga Kabataan.
“Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Umaasa rin ang Pangulo na mauunawaan ng mga batang henerasyon ang mga pilosopiyang pampulitika at panlipunan ni Mabini para sila ay mahikayat na mag-ambag sa pagsulong ng ating bansa.
Bukod dito hinikayat din ng Pangulo ang mga Filipino na magkaisa para maisakatuparan ang mga hangarin ni Mabini patungo sa Bagong Pilipinas.
Si Mabini ay isang lumpo at ipinanganak sa Z, Tanauan noong Hulyo 23, 1864 at nagtapos ng abogasya sa University of Sto. Tomas noong 1894.
Nasa edad 30 si Mabini nang magkasakit dahilan ng kanyang pagkalumpo subalit hindi ito naging hadlang para itaguyod ang kabayanihan sa bayan.