MANILA, Philippines — Matatanggap na ng mga public school teachers ang kanilang P5,000 chalk allowance sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hulyo 29, at sa kauna-unahang pagkakataon, ito ay magiging tax-free!
Ang magandang balita ay inianunsiyo ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara kahapon sa ginawa niyang pagbisita sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales sa Mandaluyong City.
Ayon kay Angara, sa pagbubukas ng klase sa School Year 2024-2025 ay P5,000 muna ang matatanggap na chalk allowance ng mga guro.
Gayunman, alinsunod sa Kabalikat sa Pagtuturo Act, na nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan, inaasahang madodoble ito at magiging P10,000 na sa susunod na taon.
“‘Yung cash allowance will be P5,000 this year. For the first time, it’s tax-free. Next year, under the law, it will be P10,000. Every teacher will receive that,” ayon kay Angara.