Solons, VIPs nagpatalbugan sa SONA 2024 fashion

Agaw pansin sa SONA ang kasuotan nina (mula kaliwa) Leyte Rep. ­Richard Gomez at maybahay na si Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Sen. Imee Marcos at Senate President Chiz Escudero at maybahay na si Heart Evangelista.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagpatalbugan ang mga mambabatas at ilang mga VIPs sa pagandahan ng kasuotan sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ng hapon sa Batasang Pambansa.

Ang tinaguriang ‘global model’ at aktres na si Heart Evangelista, misis ni Sena­te President Francis Chiz Escudero ay nagningning sa suot nitong puting gown na likha ni Michael Leyva.

Rumampa naman suot ang kaniyang avocado green na gown ang girlfriend ni Sen. Sherwin Gatchalian na si Bianca Manalo. Si Sen. Loren Legarda ay nakasuot ng off white na Filipiniana outfit.

Simpleng light blue naman ang suot ni Ormoc City Mayor Lucy Torres na rumampa sa red carpet kasama ang mister nito na si Leyte Rep. Richard Gomez.

Nakasuot din ng puting gown si Sen. Grace Poe na likha ni Paul Cabral.

Rumampa rin sa red carpet sina Sen.Bong Revilla at misis nitong si Cavite Rep. Lani Mercado Revilla na nakasuot naman ng gown na gawa ni Rajo Laurel.

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte naman ay nakasuot ng kulay kayumangging printed na Filipiana.

Samantala kakaiba naman ang sinuot ni Sen. Imee Marcos na naka-moro armor inspired outfit.

Habang dark na asul ang suot ni dating Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo.

Show comments