MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng bagyong Carina habang kumikilos sa may hilagang kanluran ng Philippine Sea.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Carina ay namataan 340 kilometro silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ni Carina ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kph at pagbugso na hanggang 135 kilometro bawat oras. Kumikilos ito sa may hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Hahatakin ng bagyo ang habagat na magdudulot ng malakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon.
Dulot nito, nakataas ang signal number 1 sa Batanes, eastern portion ng mainland Cagayan kasama na ang eastern portion ng Babuyan Islands at northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon.
Malayo naman si Carina sa Philippine landmass at inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes, Hulyo 25.