^

Bansa

17.54 milyong Pinoy ’di kayang bilhin basic commodities

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 17.54 milyong Pinoy ang hindi ka­yang bilhin ang mga basic commodities o mga pangunahing pangangailangan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa Family Income and Expenditure Survey (FIES), nadiskubre ng PSA na ang poverty incidence sa bawat indibidwal ay bumaba sa 15.5 percent o nasa 17.54 milyong Pinoy noong 2023 mula sa 18.1 percent o 19.99 milyong Pinoy noong 2021.

Ayon sa PSA, ito ay nasa 10.9 percent o 3 milyong pamilya na nasuring mahirap.

Mayroon namang 2.7 percent o 740,000 pamilya ang “food poor” noong 2023 na nangangahulugan na ang kanilang kita ay hindi akma para magkaroon ng pangunahing kailangang pagkain.

Mas mababa naman ito sa 1.04 milyong pamilya o nasa 3.9 percent bilang food poor noong 2021.

“Based on these preliminary poverty statistics, the poverty situation in the country has returned to its pre-pandemic level,” ayon sa PSA.

Batay naman sa nagdaang SWS survey, nasa 16.0 milyon ang bilang ng Pinoy na nagsabing sila ay mahirap noong June 2024 at nasa 12.9 milyon noong March 2024.

vuukle comment

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with