PNP bibili ng AI body-worn camera

Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil dahil mag-aalarm ang body camera sa sandaling makilala ang isang wanted sa batas.

Mga wanted madali nang matunton

MANILA, Philippines — Dapat nang kabahan ang mga wanted at kriminal sa bibilhing body-worn camera ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil dahil mag-aalarm ang body camera sa sandaling makilala ang isang wanted sa batas.

Ayon kay Marbil, may facial recognition ang body camera na kanilang bibilhin at gagamitin ng mga pulis sa kanilang operasyon.

Una nang sinabi ng PNP na bibili sila ng 4,000 body camera.

“May taong may warrant, madali na ma-recognize ng body cam natin,” ani Marbil.

Inutos ni Marbil ang pagpapaigting ng operasyon o pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa mga kriminal na sangkot sa heinous crimes.

Layon ng body camera na mai-record at masi­guro na lehitimo ang police ­operations.

Show comments