‘Butchoy’ umexit na sa PAR, ‘Carina’ lalakas pa
MANILA, Philippines — Lumabas na sa Philippine area of Responsibility (PAR) ang bagyong Butchoy na kasabay ng bagyong Carina na pumasok sa ating bansa.
Ang bagyong Carina ay inaasahang lalakas at maaabot ang tropical storm category sa susunod na 12 hanggang 24 oras.
Simula sa Lunes, mananatili ang lakas ni Carina at kikilos pakanluran hilagang kanluran ng Philippine Sea.
Si Butchoy ay unang namataan sa layong 565 kilometro kanluran ng Iba, Zambales alas-10 ng umaga ng Sabado.
Bagama’t lumabas na ng PAR si Butchoy, si bagyong Carina ay inaasahang magpapalakas sa Habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa buong western portion ng Luzon hanggang Martes.
Ang habagat ay magdadala rin ng masungit na panahon sa may baybaying dagat at upland areas partkular sa Kalayaan Islands, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Zambales, Bataan, at Metro Manila hanggang Linggo.
Si Carina ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na huwag papalaot gayundin ang mga sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon sa karagatan dulot ng bagyo.
- Latest