^

Bansa

Isyu sa inflation, kalusugan, paggawa tugunan sa SONA ni Pangulong Marcos — solons

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang dalawang mambabatas na tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang isyu sa tumataas na inflation, kalusugan at maging sa paggawa dahil ito ang hinihintay marinig ng mayorya ng mga Pilipino.

Ayon kay Agri Partylist Rep. Wilbert Lee, dapat aniyang klaruhin ni Pangu­long Marcos kung ano ang plano ng gobyerno nito kung papaano mapapababa ang inflation.

Aniya, walang nararamdaman ang mga Pilipino sa paglago ng ekonomiya lalo na at apektado ang mga ito sa pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Lee na dapat magdagdag ng benepisyo ang gobyerno para sa mga magsasaka na krusyal para maresolba ang pagtaas ng inflation.

“I always say that the biggest cause of high inflation is food inflation. The real answer to inflation is not importation but to look after local farmers. Increase local food production. That’s the only way, the real answer in controlling inflation,” anang solon.

Dapat ay may sapat na programa rin ang gob­yerno, ayon pa kay Lee sa isyu sa kalusugan. Iginiit niya na nasa tamang direksiyon ang administrasyong Marcos pero marami pang aksiyon na dapat isagawa.

Sa panig naman ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, Chairman ng House Committee on Labor and Employment, isa ang mga isyu sa paggawa na dapat talakayin ng ­Pangulo.

“Labor is a major sector and one that concerns every Filipino, so I expect that we will hear about his plans to address various issues on Monday,” ani Nograles.

“Kaya’t inaabangan natin ang SONA nang malaman natin ang landas ng balak tahakin ng administrasyon para sa mas maayos na kalagayan para sa mga manggagawa,” ayon pa sa solon.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with