MANILA, Philippines – Nakatakdang buksan ng Malacañang Heritage Mansions ang pinakabagong dagdag nito sa isa sa most-visited landmarks ng Baguio City — ang The Mansion, na nagpapakita sa “vibrant at diverse” history ng Philippine presidents.
Sa pinakabagong anunsiyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos, ang pinakabagong Presidential Museum sa The Mansion ay inaasahang aakit ng mga bisita mula sa mga pamilyang Pinoy, estudyante at kabataan sa norte.
Ang The Mansion ay matatagpuan sa kahabaan ng Romulo Drive sa Baguio City, sa tapat ng Wright Park.
Sa pasilip sa website museums.gov.ph, makikita sa Malacañang Heritage Museum ang pitong galleries na nagtatampok sa accomplishments ng mga naging presidente ng bansa hanggang sa kasalukuyang Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bukod sa galleries na magpapakita sa presidential artifacts at historical timelines, ang Malacañang Heritage Museum ay magkakaroon din ng souvenir shop para sa local at foreign tourists.
Binigyang-diin ng First Lady, sa isang panayam noong nakaraang April, ang papel ng bagong museum upang mahikayat ang young generation ng mga Pilipino na mahalin ang kanilang bansa.
Sa kamakailan lamang na anunsiyo na ipinost noong Sabado, ang First Lady ay “nasasabik” na ianunsiyo na ang museum ay malapit nang buksan sa publiko.
“This beautiful space will be open to the public very soon and I can’t wait for everyone to see it,” wika ni Araneta-Marcos sa isang post sa Instagram.
“If you want to take a peek, visit our website: museums.gov.ph. A heartfelt thanks to everyone involved in bringing this project to life,” aniya.
Itinayo noong 1908, ang The Mansion ay may ipinagmamalaking mayamang kasaysayan at grand architecture. Naunang nagsilbing summer residence para sa American governors-general bago ang World War II, ipinasa ito sa Pilipinas noong panahon ng Commonwealth. Sa kasalukuyan, nagsisilbi itong official summer residence ng Presidente.
Ang Presidential Museum sa Baguio Mansion House, ayon sa First Lady, ay replication ng matagumpay na Teus Museum sa Malacanang, Manila.
Tulad ng Teus Museum, ang Presidential Museum sa Baguio ay kinalalagyan ng malawak na koleksiyon ng priceless memorabilia, kabilang ang presidential attire, footwear, flags at busts na nililok na kawangis ang mga dating lider.