58% ng Pinoy nagsabing sila’y mahirap – SWS

Batay sa survey na ginawa ng Social Weather Station noong Hunyo 12 puntos ito na mas mataas kumpara sa 46 porsyento na naitala noong Marso 2024.
STA/ File

MANILA, Philippines — Nasa 58 porsyento ng mga pamilyang Filipino ang ikinukonsidera ang sarili na mahirap.

Batay sa survey na ginawa ng Social Weather Station noong Hunyo 12 puntos ito na mas mataas kumpara sa 46 porsyento na naitala noong Marso 2024.

Pinakamataas din ito mula sa 59 porsyento na naitala noong Hunyo 2008.

Tinatayang nasa 19 milyong pamilya ang nagsabing self-rated poor noong Hunyo 2024, mas mataas sa 12.9 milyon noong Marso 2024.

Nasa 12 porsyentong pamilya naman ang ikinokonsidera ang sarili na borderline poor habang 30 porsyento ang hindi ikinukunsidera ang sarili na mahirap.

“Self-rated poverty was highest in Mindanao at 71 percent, followed by the Visayas at 67 percent, Balance Luzon at 52 percent, and Metro Manila at 39 percent,” saad ng SWS.

Sabi ng Self-rated poor families, kailangan nila ng P15,000 monthly budget para hindi maikonsidera ang sarili na mahirap.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 23 hanggang July 1 gamit ang face-to-face interviews sa 1,500 adults.

Show comments